News Release
July 15, 2016
Pinag-iingat ni Administrator Hans Leo J. Cacdac ang mga gustong magtrabaho
bilang kasambahay sa Dubai o Abu Dhabi sa United Arab Emirates.
Ayon kay Admin Cacdac, naglipana ngayon ang mga recruiter na iligal na
nangangalap ng mga domestic worker upang dalhin sa UAE sa kabila ng kakaunti na
ang inaaprubahang kontrata ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Abu
Dhabi at Dubai.
Matatandaang nagkaroon ng “unified contract” ang UAE para sa mga kasambahay
na hindi naman sumasang-ayon sa standard contract ng Pilipinas. Naging resulta
nito ang hindi pag-aproba ng ating POLO sa mga kontratang hindi katanggap-tangap
o disbentahe sa ating mga kababayan.
“Noong isang gabi lang, may dalawang kababaihan ang hindi pinasakay ng eroplano
sa Clark International Airport dahil wala silang legal na dokumento na magpapatunay
na sila ay dumaan sa tamang proseso ng pag-alis upang makapagtrabaho sa ibang
bansa,” ayon kay Cacdac.
“Dalawang babae rin ang tinulungan ng ating gobyerno na ma-repatriate mula sa
Abu Dhabi dahil inabuso sila ng kanilang amo. Biktima sila ng illegal recruiter na sila
ay idinaan sa Tawi-Tawi, Sandakan sa Sabah at Kuala Lumpur, Malaysia upang
makarating sa Abu Dhabi”, dagdag pa ng administrator.
Minamatyagang mabuti ng mga ahensiyang miyembro ng Inter-Agency Council
Against Trafficking (IACAT) katulad ng POEA, DOJ, Bureau of Immigration, NBI, at
mga international airport authorities ang ganitong modus ng mga illegal recruiter.
Hindi papayagang sumakay ng eroplano ang sinumang aalis upang magtrabaho sa
ibang bansa na walang kaukulang dokumento.
Sa kabila nito, patuloy naman ang pakikipag-usap ng ating pamahalaan sa mga
namumuno sa UAE upang maiayos at maitama ang proseso ng pag-deploy ng mga
kasambahay sa Abu Dhabi at Dubai.
Hinihiling ni Administrator Cacdac sa mga aplikante na i-report agad sa POEA ang
anumang illegal recruitment o human trafficking activity na kanilang naranasan o
nasaksihan.
Trade Fairs, Jobs and Career Fairs, Live and work abroad, news and immigration procedures for Filipinos searching for work abroad
Friday, July 15, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
This site is purely for job announcement purposes only and it's not associated with any recruitment agencies mentioned here. Appicants are advised to apply directly with the recruitment agency and to check with the POEA the authenticity of job orders and or jobs for manpooling.
No comments:
Post a Comment
This site is purely for job announcement purposes only and not associated with any recruitment agencies mentioned here. Applicants are advised to apply directly with the recruitment agency and to check with the POEA the authenticity of job orders and or jobs for manpooling.
Pinoy Abroad on Facebook
Get Pinoy Abroad delivered by email
POEA Recruitment Agencies
Subscribe to Job Bank Canada by Email