Muling binalaan kahapon ni Kalihim Rosalinda Dimapilis-Baldoz ang mga Filipinong nagbabalak mag-abroad na mag-iingat laban sa mga recruiters na nag-aalok ng trabaho sa mga hotel, casino, at restaurants sa Macau kahit walang pahintulot o alok na trabaho ang mga employers sa naturang bansa.
"Malamang na illegal recruiters sila," ani Baldoz, na nanawagan sa mga aplikante na isuplong sa POEA ang mga taong nag-aalok ng trabaho para sa Macau na walang pahintulot, walang lisensya, at walang opisina.
Sa isang ulat sa Kalihim, sinabi ni Labor Attache Liddy Tanedo na nakabase sa Macau, na ang mga aplikante ay dapat magduda at mag-ingat sa ilang recruitment agencies na nakabase sa mga bansang ASEAN na nag-aalok ng trabaho nang walang pahintulot mula sa mga may-ari ng casino at hotel sa naturang autonomous region ng China.
Dahil dito, muling inatasan ni Baldoz ang POEA na paigtingin pa ang pamamahagi ng impormasyon sa publiko ukol sa kung papaano maiiwasan ang illegal recruitment, lalo na ang "Sampung Utos sa Illegal Recruitment" na binuo ng POEA.
Ang naturang "Sampung Utos" ay mababasa sa website ng POEA, http://www.poea.gov.ph/air/howtoavoid.htm.
No comments:
Post a Comment
This site is purely for job announcement purposes only and not associated with any recruitment agencies mentioned here. Applicants are advised to apply directly with the recruitment agency and to check with the POEA the authenticity of job orders and or jobs for manpooling.
Pinoy Abroad on Facebook
Get Pinoy Abroad delivered by email
POEA Recruitment Agencies
Subscribe to Job Bank Canada by Email