Wednesday, May 4, 2016

Ikaw, ano naman nagawa na ng kandidato mo? #‎RoxasNaRobredoPa‬

#‎ShiftToMar‬ ‪#‎RoxasNaRobredoPa‬



WALANG NAGAWA SI MAR ROXAS!
Tama Ka!

KUNG DI KA NAGING MINIMUM WAGE WORKER
*dahil sa kanya wala ka binabayaran na income tax (RA 9504)

KUNG NEVER KA PA BUMILI NG GAMOT
*dahil sa kanya, nakakatipid ka sa gamot ng 50% (Cheaper Medicines Law- principal author at the Senate)

KUNG NALULONG KA SA DROGA, NA-KIDNAP, NA-CARNAP
*dahil sa Oplan Lambat Sibat, 80% ng most wanted nahuli, at bumaba ang insidente ng mga krimen

KUNG NEVER KA BUMILI NG BAGONG KOTSE
*dahil sa kanya pwede ka mag-refund kung defective ang parts ng kotse (Lemon Law)

KUNG DI KA JOURNALIST
*dahil sa kanya di ka agad-agad pwede kasuhan at ikulong dahil sa libel (SB 110)

KUNG WALA KANG MALIIT NA NEGOSYO
*dahil sa kanya nakaka-utang ka sa banko at nakakatanggap ng suporta, pagsasanay at kaalaman (Magna Carta for SMEs, Oplan Sulong)

KUNG DI KA SENIOR CITIZEN
*dahil sa kanya, walang VAT ang mga gamot na binibili mo

KUNG DI KA INDIGENT na SENIOR
*dahil sa kanya may pension ka galing sa gobyerno agad. Di mo na kelangan hintayin pag 77 ka na tulad nang dati

KUNG WALA KAYO MALINIS NA TUBIG
*dahil sa kanya may 140,000 kabahayan na may malinis at ligtas ng inuming tubig (SalintubIg Program)

KUNG DI KA HUMINGI NG JOB ASSISTANCE MULA SA GOBYERNO
*dahil sa kanya may job assistance centers sa mga local government units (PESO Act)

KUNG DI KA NAG-ARAL SA PUBLIC SCHOOL SA REHIYON NINYO
*dahil sa kanya, nasigurado na ang bawat sulok ng Pilipinas ay may paaralan (Roxas Law- RA 7880)

KUNG WALANG FIRETRUCK SA BAYAN NINYO
*dahil sa kanya may 469 firetrucks nang nabili at naikalat sa buong bansa

KUNG WALANG COMPUTER SA PUBLIC SCHOOL MO
*madaming paaralan nabigyan ng bagong computer

KUNG DI KA NAGTRABAHO SA MALALAKING KUMPANYA TULAD NG AIG, JP MORGAN, QBE, MACQ ETC
*dahil sa kanya dumami ang mga foreign companies na nagtayo ng kanilang regional offices dito, at mas lalo pa dumami ang trabaho (RA 8756)

KUNG NEVER KA NAGTRABAHO SA BPO
*dahil sa kanya mas lumawak pa ang BPO industry at madami nabigyan ng trabaho at di na kinailangan umalis ng bansa (RA 8748) (Make-IT Philippines) (Contact Center Association of the Philippines
*tayo na ngayon ang pinaka-malakas na BPO Industry sa buong mundo

KUNG WALA KANG KA-PAMILYA NA MANGINGISDA O MAY MALIIT NA BANGKA
*dahil sa kanya hindi na pwede mag-layag pag Signal 1 ng PAGASA (Strict Sea Safety Policy)

KUNG NEVER KA GUMAMIT NG BEEP CARD
*nataguyod ito noong siya DOTC secretary. Ngayon, di na kailangn bumili at pumila para sa iba’t ibang card ng mga tren

KUNG DI KA NAG-ADOPT O HINDI KA ADOPTED
*tinaguyod niya na dapat mas mapabilis ang proseso ng adoption sa pakikipagtulungan ng DSWD at LGUs

KUNG NEVER KA PA NATULUNGAN NG COAST GUARD
*dahil sa kanya nakabili ng disaster response equipment ang Philippine Coast Guard (300 aluminum hull shaped boats, 50 rubber boats para sa mga flood prone areas)

KUNG NEVER KA PA BUMILI SA PALENGKE
*siya nagsigurado na tama ang mga timbangan na ginagamit (Palengkenomics)

KUNG HINDI KA NAKILAHOK NOONG DUMATING SI POPE FRANCIS
*sila nagplano ng “grid design” upang maging maayos at mapayapa ang 7M na tao

KUNG WALANG PATROL JEEP SA BAYAN NINYO
*dahil sa kanya 94% na ng mga bayan sa bansa may bagong PNP Patrol Jeep (AFP Modernization)

KUNG HINDI KA DUMAAN SA NAIA TERMINAL 1
*dahil sa kanya na-renovate ito at hindi na kahiya-hiya sa buong mundo

KUNG DI KA PA SUMAKAY SA EROPLANO
*dahil sa kanya may mga karapatan ka! (Air Passengers Bill of Rights)

KUNG DI KA PA PUMUNTA SA EUROPE OR US
*dahil sa kanya pinayagan ang mga eroplano natin lumipad sa iba’t ibang lugar sa EU at Amerika (CAAP)
*natanggal ang ban ng Europa sa mga Pilipinong eroplano

KUNG NEVER KA PA NAG-EROPLANO SA GABI
*dahil sa kanya may night flights ang mga provincial airports upang mabawasan ang air traffic at delayed flights sa umaga

KUNG HINDI KA SEAMAN, OR WALA KANG KAMAG-ANAK NA SEAMAN
*ginawan niya ng paraan upang 480,000 Pilipinong sea-farers hindi mawalan ng trabaho (Maritime Industry Authority, EMSA)

KUNG DI NAKAPAG-ARAL ANAK NINYO SA BAGONG CLASSROOM
*may 100,000 mga baong classrooms na sa buong bansa

KUNG DI KAYO NATULUNGAN NOONG YOLANDA, BOHOL EARTHQUAKE, ZAMBOANGA SEIGE
*siya nagcoordinate sa mga ito at hands-on siya na lider, 7am may mga miting na sila para matugunan ang mga isyung ito

KUNG HINDI KA NAG-MRT
*siya ang nagsubmit at nagpa-apruba ng 48 BAGONG light rail vehicles (dadating ngayong Aug 2016)

KUNG HINDI MO BALAK GAMITIN ANG SKYWAY STAGE 3 AT NLEX-SLEX CONNECTOR BALANG ARAW
*siya kumausap kina MVP at San Miguel (Ang) upang mapatupad ang project na ito

WALANG BAGONG ROAD INFRASTRUCTURE at LIVELIHOOD PROJECTS ANG BAYAN MO
*18,000 km kalsada at 100 km tulay meron sa iba’t ibang sulok na ng bansa- Eastern Visayas, Camarines etc (PAMANA Projects)

KUNG HINDI MO NASABI ANG MGA KELANGAN MO SA GOBYERNO SA BAYAN NINYO
*pinagtibay niya ang BOTTOM UP BUDGETING kung saan tao ang nagsasabi anong kelangan nila
*14,453 proyekto na pinili ng tao ang napondohan ng 2015 budget

KUNG BUHAY KA PA
*dahil sa pakikipaglaban niya, nasuspend ang Pharmawealth Inc na nagsusupply ng substandard na gamot sa mga government hospitals na ikinamatay ng ilan

Kaya tama ka, wala nga nagawa si MAR ROXAS.

Ikaw, ano naman nagawa na ng kandidato mo?


Good Vibes for #MarLeni

No comments:

Post a Comment

This site is purely for job announcement purposes only and not associated with any recruitment agencies mentioned here. Applicants are advised to apply directly with the recruitment agency and to check with the POEA the authenticity of job orders and or jobs for manpooling.

Pinoy Abroad on Facebook

Get Pinoy Abroad delivered by email

POEA Recruitment Agencies

Subscribe to Job Bank Canada by Email

This site is purely for job announcement purposes only and it's not associated with any recruitment agencies mentioned here. Appicants are advised to apply directly with the recruitment agency and to check with the POEA the authenticity of job orders and or jobs for manpooling.

Get Pinoy Abroad delivered by email

POEA Recruitment Agencies

Subscribe to Job Bank Canada by Email