Naipasara po ng mga operatiba ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA),
kasama ang Quezon City Police District at barangay officials ng Barangay Kamuning, Quezon
City, ang Pointers Career Consultancy. Nahuling nagsasagawa ng illegal recruitment o
recruitment ng walang POEA license ang nasabing Pointers Career Consultancy/Orbit Human
Resources Limited.
Ang modus po ng tauhan ng POINTERS ay recruitment daw ng factory workers, fruitpickers, at
dairy farmers para daw sa Japan at New Zealand. May singil po na P5,000 para daw sa
medical examination, P5,000 registration fee, at P15,000 training fee. Padadaanin ang mga
biktima sa training sa Candelaria, Quezon, at medical exam sa isang clinic. Lahat ng kabayaran
ay tinanggap ng tauhan ng Pointers.
Nabisto rin na ang Pointers ay gumagamit ng ibang pangalan, ang Orbit Human Resources
Limited.
Isang modus para sa mga biktima na nag-apply para maging OFW sa Japan ay ang "all-in
package" sa halaga ng P90,000 at "show money" bank account sa halaga ng P300,000. Papasok
daw muna bilang turista ang biktima, dahil "may sasalo" naman daw na contact ng
Pointers/Orbit sa Japan, na siyang magproproseso daw ng work visa ng mga biktima.
May tatlong empleyado ng POINTERS/ORBIT ang natagpuan na nagproproseso ng dokumento
ng mga biktima, sina Emelda S. De Vera, Velma C. Santos, at Noreen R. Gaspar. Si De Vera ang
operations manager, at si Santos naman ang records officer ng Pointers/Orbit. Si Santos rin ang
nagsagawa ng "orientation" ng mga biktima sa surveillance operations ng POEA noong Marso
2016. Itinanggi nina De Vera at Santos ang anumang partisipasyon sa illegal recruitment, at
itinuro naman si Maria Corazon I. Paragas, ang President ng Pointers/Orbit, na nag-utos sa
kanila na magkalap ng mga aplikante para sa training at medical exam.
Samantala, hinahanap naman ng POEA ang tatlong tauhan ng Pointers/Orbit na sina Mario
Eliton C. Buquel, May L. Alberto, at Lyn Alcala, na nag-conduct ng "orientation" sa mga biktima
noong surveillance operations ng POEA noong Pebrero 2016.
Kakasuhan ng illegal recruitment sa Department of Justice sina De Vera, Santos, Gaspar, Buquel,
Alberto, Alcala, at Paragas.
Maging matalino, huwag magpaloko!
Trade Fairs, Jobs and Career Fairs, Live and work abroad, news and immigration procedures for Filipinos searching for work abroad
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
This site is purely for job announcement purposes only and it's not associated with any recruitment agencies mentioned here. Appicants are advised to apply directly with the recruitment agency and to check with the POEA the authenticity of job orders and or jobs for manpooling.
No comments:
Post a Comment
This site is purely for job announcement purposes only and not associated with any recruitment agencies mentioned here. Applicants are advised to apply directly with the recruitment agency and to check with the POEA the authenticity of job orders and or jobs for manpooling.
Pinoy Abroad on Facebook
Get Pinoy Abroad delivered by email
POEA Recruitment Agencies
Subscribe to Job Bank Canada by Email